Water level sa Angat dam nadagdagan pa

0
47

Muling nadagdagan ang water level sa Angat dam sa nakalipas na 24 oras.

Alas-sais kaninang umaga, naitala sa 176.72 meters ang antas ng tubig sa Angat dam.

Bahagya ring nadagdagan ang water level sa La Mesa dam na nasa 76. 71 meters na ngayon gayundin ang water level sa San Roque, Pantabangan at Magat dams.

Habang nabawasan naman ang antas ng tubig sa Ipo, Binga, Ambuklao at Caliraya dams.

4:30 ng madaling araw itinigil ang pagpapakawala ng tubig sa Ambuklao at Binga.

Noong isang araw ay nagbukas ng gate ang naturang mga dam dahil lumampas na ang antas nito sa normal high level bunsod  ng nararanasang patuloy na pag ulan sa Northern Luzon.