Sanofi Pasteur umaasang ibabalik ang rehistro ng dengvaxia

0
48

Umaasa ang kumpanyang Sanofi Pasteur na ibabalik ng Food and Drugs Administration (FDA) ang rehistro ng dengvaxia.

Ito ay sa gitna ng patuloy ng pagtaas ng bilang ng nagkakasakit ng dengue sa bansa.

Ayon sa kumpanya, hindi man maaring mapigil na ng bakuna ang pagkalat ng dengue ngunit malaki ang maitutulong nito para mapigilan ang epidemya sa hinaharap.

Noong Pebrero, permanenteng tinanggal ng FDA ang certificate of product registration ng dengvaxia matapos na mabigo ang kumpanya na magsumite ng post-surveillance sa naturang bakuna.