Friday, May 10, 2024

Water level sa Angat dam nadagdagan dahil sa pag-ulan dala ng bagyong Tisoy

- Advertisement -

Inaasahang madadagdagan ang antas ng tubig sa Angat dam ng ulang dala ng bagyong Tisoy.

Ayon kay National Water Resources Board (NWRB) Executive Diretor Sevillo David Jr., bahagyang tumaas ang water level sa Angat dam dahil sa mga naranasang pag-ulan nitong mga nakalipas na araw.

Gayunman, 21 metrong mababa pa rin ito sa normal high operating level na 210 meters na siyang kinakailangan para maging matatag ang suplay ng tubig hanggang sa susunod na taon.

Sinabi ni David, bagama’t marami ang nangangamba dahil sa masamang epekto ng bagyong Tisoy, magkakaroon pa rin ito ng mabuting resulta sa water supply.

Magugunitang, binabaan ng NWRB ang suplay ng tubig sa mga kabahayan sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagbaba pa rin ng water level sa Angat dam.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -