Water level sa Angat dam muling tumaas

0
10

Muling tumaas ang lebel ng tubig sa Angat dam makalipas ang 24 oras.

Batay sa tala ng PAGASA Hydrology Division, mula sa 188.37 meters kahapon ay 188.55 meters na ang tubig sa dam ngayon.

Bahagya ring nadagdagan ang tubig sa La Mesa dam na nasa 77.49 meters na ngayong araw mula sa 77.44 meters kahapon.

Tumaas din ang lebel ng tubig sa Ipo dam, Binga dam, San Roque dam, Magat dam at Caliraya dam.

Samantala nabawasan naman ang antas ng tubig sa Ambuklao dam.