Bagyong ‘Quiel’ inaasahang lalabas ng PAR sa Sabado — PAGASA

0
12

Inaasahang lalakas pa at magiging isang Typhoon ang Severe Tropical Storm ‘Quiel’ sa loob ng 24-oras.

Inaasahan ding lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong ‘Quiel’ bukas, o Sabado ng umaga, gayunman, hindi ito inaasahang tatama sa kalupaan.

Samantala, posible pa ring makaranas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan na may kasamang pabugso-bugsong pag-ulan sa Mindoro provinces, Palawan at Western Visayas.

Mahina na may kasamang panaka-nakang pag-ulan naman ang mararanasan sa Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Apayao at Ilocos Norte bunsod naman ng tailend ng cold front.

Huli namang namataan ang Bagyong ‘Quiel’ kaninang 10AM sa layong 430-kilometers, kanluran ng Coron, Palawan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometers per hour (kph) at pagbugsong aabot naman sa 135 kph.

Kumikilos ito sa bilis na 10 kph pa-Timog Kanluran.