Water interruption mararanasan sa ilang bahagi ng Parañaque City

0
72

Mawawalan ng supply ng tubig ang ilang bahagi ng Parañaque City ngayong araw na ito.

Ayon sa Maynilad Water Services, alas onse mamayang gabi hanggang alas sais ng umaga bukas ay mawawalan ng tubig ang Barangay Merville at Moonwalk.

Samantala, alas diyes ngayong umaga hanggang alas tres mamayang hapon ay walang supply ng kuryente ang bahagi ng Barangay Karuhatan at Malinta sa Valenzuela.

Ito ay dahil sa gagawing paglilipat ng meralco ng mga pasilidad sa mga posteng maaapektuhan ng konstruksyon ng Manila North Tollways Corporation sa North Luzon Expressway (NLEX) Segment 10.