PNP pinakilos na magsagawa ng mabilis na imbestigasyon kaugnay sa nangyaring pagpaslang sa Negros Occidental

0
53

Pinakilos ng Malakanyang ang Philippine National Police (PNP) para magsagawa ng mabilisang imbestigasyon kaugnay sa pagpaslang sa siyam na magsasaka ng tubo sa Sagay City sa Negros Occidental.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ikinalulungkot ng Malakanyang ang nangyari at umaasa sila sa mabilis na solusyon sa kasong ito.

Tiniyak din ni Panelo sa pamilya ng mga biktima na papanagutin ang responsable sa naturang pamamaslang.

Magugunitang pinagbabaril ng mga hindi pa nakilalang mga suspk ang mga biktima na pawang miyembro ng National Federation of Sugar Workers (NFSW) nuong sabado ng gabi matapos ukupahan ang pribadong lupa sa Hacienda Nene sa Barangay Bulanon.