Tuesday, May 7, 2024

Warrant of arrest vs Trillanes at 9 iba pa hawak na ng PNP

- Advertisement -

Hawak na ng Philippine National Police (PNP) ang warrant of arrest laban kina dating Senator Antonio Trillanes IV at siyam na iba kaugnay ng kinahaharap ng mga itong kasong sedisyon.

Ayon kay PNP spokesman Brigadier General Bernard Banac, apat sa mga ito ang nakapag-piyansa na habang patuloy namang tinutugis ang anim na iba pa.

Una rito, una namang sinabi ni Trillanes na nakatakda siyang bumalik sa Pilipinas ngayong linggong ito para harapin ang kasong kaniyang kinahaharap.

Samantala, sinabi rin naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na dapat na bumalik na ng bansa si Trillanes para harapin ang kasong sedisyon na kaniyang kinahaharap.

Nabatid na P10,000 lamang ang itinakdang piyansa para sa naturang kaso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img