Walang ‘palakasan’ sa IRM ng PhilHealth —Duque

0
20

Itinanggi ng Department of Health (DOH) na mayroong nagaganap na ‘palakasan’ sa paglalabas ng PhilHealth ng pondo para sa mga ospital.

Ito ang naging paglilinaw ni Health sec. Francisco Duque III na siya ring chairman ng PhilHealth board, kung saan sinabi ng kalihim na walang palakasan na nagaganap sa interim reimbursement mechanism (IRM) ng PhilHealth.

Ayon kay Duque, hindi niya papayagan ang ganitong uri ng iskima dahil hindi niya kailanman pahihintulutan ang anumang uri ng korapsyon.

Una rito, napaulat na nagkaroon ng palakasan sa PhilHealth matapos na madiskubre na isang ospital sa Davao ang may pinakamalaking halagang natanggap sa ilalim ng IRM kung saan nakatanggap ito ng higit P300-milyon gayong karamihan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases ay nasa Metro Manila.