Public transpo dadami na sa pagbabalik-GCQ ng NCR —MMDA

0
9

Asahan na ng publiko ang pagbubukas ng mas maraming pampublikong transportasyon sa National Capital Region (NCR) sa pagbabalik nito sa general community quarantine (GCQ).

Ito ang naging pagtitiyak ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia kung saan sinabi nito na mas maraming pampublikong transportasyon na ang magiging available sa NCR sa muling pagbabalik ng pamahalaan sa Metro Manila sa GCQ simula bukas.

Sinabi ni Garcia, magkakaroon ng pagkakaiba ang bersyon ng GCQ noon sa GCQ na ipatutupad bukas, lalo na pagdating sa mga pampublikong transportasyon.

Aniya, mas makabubuti kung mas maraming pampublikong transportasyon ang papayagang makabiyahe.

Gayunman, muli namang tiniyak ni Garcia na mahigpit pa rin namang ipatutupad ang minimum standard health protocols bilang pag-iingat sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).