Sunday, May 5, 2024

Walang karagdagang panuntunan sa int’l travel sa ilalim ng MECQ —Immigration

- Advertisement -

Wala namang dagdag na restrictions o panuntunan sa pagbiyahe sa ibang bansa kahit isinailalim muli sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila at ilang karatig lalawigan.

Ayon ito kay Immigration Commissioner Jaime Morente dahil tuluy-tuloy ang international flights sa NAIA, Cebu at Clark International Airports.

Sinabi naman ni Port Operations Acting Chief Grifton Medina na off-limits pa rin ang bansa sa foreign tourists bagamat uubra namang pumasok sa Pilipinas ang mga may hawak ng permanent immigrant visas, foreign spouses, minor dependents at foreign parents ng mga menor de edad na Pilipino.

Makakapasok din sa bansa ang mga dependent ng mga Pilipino at anak ng mga dayuhang may special needs kahit ano pa man ang edad.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img