33.2 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Walang apology para sa ‘made-up’ story ng Pangulo—Palasyo

- Advertisement -

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi hihingi ng apology sa kanyang naging pag-amin na hinipuan ang kanilang dating kasambahay.

Ito ay kahit pa inuulan ng batikos ang naging pahayag ng Pangulo mula sa grupo ng mga kababaihan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi titigil ang Pangulo sa pagsasabi ng mga exaggerated stories dahil nakikita aniya nito na ang pagbibiro at exaggeration ay epektibong paraan para maipahatid ang kanyang mensahe.

Iginiit ni Panelo na sinadya ng Pangulo ang kuwento ukol sa kanilang kasambahay at walang bastos ukol dito.

Gawa-gawa lamang aniya ng Pangulo ang pangyayari para gawing dramatiko ang pagiging ipokrito ng ilang pari.

—-

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -