Walang alam si Duterte kung sino sa kanyang gabinete ang iniimbestigahan ng PACC — Malakanyang

0
57

Walang alam si Pangulong Rodrigo Duterte kung sino sa kanyang gabinete ang iniimbestigahan ng Presidential Anti-Corruption Commission o PACC.

Ito ay ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Tinanong daw niya ang pangulo sa naturang issue at ang sagot lang nito ay hindi daw niya alam kung sino.

Aniya, kapag nagsumite na ng report at rekomendasyon ang PACC sa pangulo, atsaka pa lang daw malalaman ng presidente kung sino ang mga ito.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay inilabas ng PACC ang ulat na iniimbestigahan nila ang dalawang miyembro ng gabinete dahil sa mga reklamong natanggap ng ahensya.