30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Isa sa suspek sa pagdukot sa isang Tsino arestado

- Advertisement -

Naaresto ng PNP – Anti Kidnapping Group ang isa sa limang Chinese nationals na suspek sa pagdukot sa kapwa nito Chinese sa Pasay City.

May nakalap na impormasyon ang mga otoridad sa kinalalagyan ng suspek at nahuli nga ito sa isang condominium unit sa naturang lungsod.

Base sa report, dinala ng mga suspek ang biktima sa Pasay City Police at inireklamo ng pangungutang.

Habang isinasagaw ang pagkulong ay kinukuhanan ito ng video ng mga suspek at pagkatapos ay ipinadala sa ama ng biktima na nasa China para sa ransom.

Pinalaya naman ng Pasay City Police ang biktima matapos ang isinagawang interogasyon.

Ayon naman sa biktima, mayroon siyang utang sa mga suspek na aabot sa isa’t kalahating milyong piso.

Hindi niya ito nabayaran kaya ikinulong siya ng mga suspek sa isang safe house sa Alabang-Muntinlupa.

Samantala, nagpapatuloy pa rin ang paghahanap sa apat pang salarin.

(with report from Jaymark Dagala)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -