VP Robredo tutungo sa US at Canada para dumalo sa serye ng programa sa Amerika

0
37

Patungo si Vice President Leni Robredo sa Estados Unidos at Canada para dumalo sa serye ng programa sa Amerika.

Inaasahang darating ang bise presidente sa Maryland sa Amerika sa Setyembre 1 para pangunahan ang isang charity ball na inorganisa ng angat buhay na partner ng kanyang tanggapan at Ancop Foundation USA Incorporated.

Magtutungo naman sa Canada si Robredo sa Setyembre 5 para sa kanyang opening address sa 13th edition ng Toronto global forum sa Ontario.

Balik Amerika si Robredo sa Setyembre 8 para sa event naman ng mga alumni ng University of the Philippines sa Los Angeles para sa 2019 installation ceremony and endowment fund raising gala at iba pa.