Paglaya ng mga Chinese inmates na convicted sa drug trafficking ikinadismaya ng PDEA

0
45

Dismayado ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA matapos na palayain ang apat na Chinese inmates na convicted sa drug trafficking.

Una nang ibinulgar ni Senator Panfilo Lacson na pinalaya na ng Bureau of Customs ang apat na drug convict na sina Chan Chit Yue, Kin San Ho, Ching Che at Wu Hing Sum .

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, hindi nakunsulta ang PDEA sa pagpapalaya sa apat na dayuhan.

Aniya, dismayado sila sa naging aksyon ng BuCor dahil matibay ang naging ebidensiya laban sa apat sa pagbebenta, transportasyon at distribusyon ng iligal na droga.