VP Robredo tiniyak ang pagdalo sa ikatlong SONA

0
153

Dadalo si Vice President Leni Robredo sa ikatlong State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 23.

Ito ang tiniyak ni Robredo, lalo’t isa mga obligasyon aniya ito bilang Pangalawang Pangulo ng bansa.

Bukod dito, sinabi ni Robredo na nais niya ring marinig ang magiging talumpati ni Pangulong Duterte hinggil sa mga nagawa na nito sa bansa.

Magugunitang, noong nakaraang linggo lamang inihayag ni Robredo na nakahanda na siyang pamunuan ang oposisyon.

—-