Ilang grupo ng kababaihan sasabayan ang SONA ng Pangulo

0
83

Nakatakdang sumabay sa State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isasagawa ring SONA ng ilang grupo ng kababaihan

Ayon sa Tindig Pilipinas nais nilang magsagawa ng sariling bersyon ng SONA na gaganapin sa University of the Philippines sa Quezon City.

Pangungunahan umano ito ng grupong “Every Woman” na tinawag na SONA ng Kababaihan.

Layon anila ng aktibidad na ito na kontrahin ang nilalaman ng SONA ng Pangulo dahil hindi naman umano sinusulong nito ang kapakanan ng mga kababaihan.

—-