34 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

VP Robredo naka-iskor sa election protest ni Bongbong Marcos

- Advertisement -

Pinaboran ng Korte Suprema na tumatayo bilang Presidential Electoral Tribual (PET) sa isyu ng 25 percent shading sa balota ang kampo ni Vice President Leni Robredo.

Sa resolusyon ng PET, susundin sa recount ng mga balota ang shading threshold na 25 percent na sya ring ginamit ng Commission on Elections (COMELEC) noong 2016 elections.

Matatandaan na isinusulong ng kampo ni dating Senador Bongbong Marcos sa kanyang electoral protest ang 50 percent shading threshold.

Ibinasura rin ng PET ang mosyon ni Marcos na hindi dapat gamitin ang decrypted ballot images ng mga nabasang balota.

Ibig sabihin nito, puwede nang gamitin sa pagbibilang ang larawang kuha ng machine sa mga balota na nabasa at hindi na mabasa ang nilalaman.


Kaugnay nito, posibleng iurong na lamang umano ni dating Senador Bongbong Marcos ang kanyang electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Atty. Romulo Macalintal, abogado ni Robredo, ang malaking bahagi ng protesta ni Marcos ay nakabase sa shading threshold o yung mga balota na halos dalawampu’t limang (25) porsyento lamang ang shade.

Sinabi ni Macalintal na mababale-wala ang mga ito dahil pumayag na ang Presidential Electoral Tribunal (PET) na tanggapin ang 25 percent shading threshold.

Nais ng kampo ni Marcos na ibalewala ang mga balota ni Robredo na hindi aabot sa limampung (50) porsyento ng oval ang mayroong shade.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -