28.7 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Nalansag na shabu lab sa Pasay condo produkto ng 4-buwang operasyon

- Advertisement -

Produkto ng apat na buwang operasyon ang pagkakabuwag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa drug laboratory sa isang condominium sa Pasay City.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, nagkaroon sila ng intelligence sharing sa mga opisyal ng Hong Kong at China hinggil sa illegal drugs na ipapasok sa bansa.

Natukoy nila ang shabu lab makaraang maaresto nila ang dalawang chemists na Hong Kong nationals at tatlong iba pang pawang mga Hong Kong nationals sa kanilang drug bust operations kamakailan.

Walumpung (80) kilo ng shabu ang nakumpiska ng PDEA sa condominium na nagkakahalaga ng mahigit sa kalahating bilyong piso.

Gayunman, aminado si Aquino na posibleng kilo-kilong shabu na rin ang nailabas at nai-distribute ng sindikato bago pa nila ito nahuli.

“Nasa custody namin itong limang ito and ngayong araw ifa-file natin ang kaso, they are all Hong Kong nationals, out of five, dalawa doon ay trained para magluto ng shabu, itong mga taong ito na tinatawag nating chemist ay parang gold ito sa China at iba pang bansa.” Ani Aquino

Binigyang diin ni Aquino na hindi matatapos ang problema ng pagkakaroon ng shabu laboratory sa bansa hanggang hindi napipigilan ang pagpuslit ng mga kemikal at makina sa paggawa ng shabu.

“Kung makikita mo lahat ng chemicals may mga Chinese characters lahat, ‘yung mga equipment, saan galing ‘yun? they are all smuggled, galing sa ibang bansa na ipinasok dito sa ating bansa, maraming paraan silang ginagawa para makalusot eh especially dito may weak points tayo pagdating sa Bureau of Customs.” Pahayag ni Aquino

(Ratsada Balita Interview)

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -