29.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

VP Robredo nagpahayag ng suporta kay Trillanes

- Advertisement -

Nagpahayag ng suporta si Vice President Leni Robredo kay Senador Antonio Trillanes IV.

Sa pagbisita ni Robredo kay Trillanes, sinabi niya umano sa senador ang pakikiisa nito sa kaniyang laban.

Naniniwala aniya ang pangalawang pangulo na mali ang ginagawa ng administrasyon kay Trillanes.

Giit pa ni Robredo, ginagamit na ang kapangyarihan ng kasalukuyang administrasyon para patahimikin ang oposisyon o kung sinuman ang kumakalaban sa kanila.

Dahil dito, bagama’t hindi umano sila magkapartido ni Trillanes ay kaisa nito siya sa kaniyang ipinaglalaban.

Si Robredo ay kabilang sa Liberal Party habang si Trillanes naman ay miyembro ng Nacionalista Party.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -