28.3 C
Manila
Monday, April 15, 2024

34 Chinese nationals arestado

- Advertisement -

Arestado ang 34 na lalaking Chinese national dahil sa pagtatrabaho ng iligal sa bansa.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente, kanilang hinuli ang naturang mga dayuhan sa mismong pinagtatrabahuhan ng mga ito na construction site sa Pasay City.

Sinabi ni Morente na kasalukuyang inaalam na ng ahensya kung overstaying alien na rin ba sa bansa ang mga Chinese national.

Sa oras aniya na mapatunyan na may nilabag ang mga ito sa proseso ng pananatili sa bansa, kanilang kakasuhan at ipatatapon ang mga ito pabalik sa China.

Nakapasok ang mga dayuhan sa bansa bilang mga turista at dito kinuha bilang mga construction workers kahit walang working permit ang mga ito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -