Friday, May 3, 2024

Voter registration ipinagpatuloy na —COMELEC

- Advertisement -

Bubuksan na muli ngayong araw na ito ang voter registration.

Ipinabatid ng Commission on Elections (COMELEC) na bukas ng alas-8 ng umaga  ang mga tanggapan nila para sa mga nais magparehistro.

Tatagal ang voter registration hanggang September 30, 2021 mula Lunes hanggang Sabado maliban na lamang kung araw ng Linggo, Huwebes Santo, Biyernes Santo at araw ng Pasko.

Kasabay nito, inihayag muli ng COMELEC na suspendido muna sa maraming bayan ng Batangas ang voter registration dahil sa pagputok ng Bulkang Taal.

Hindi rin muna binuksan ang registration process sa Makilala, North Cotabato dahil sa lindol na tumama doon noong December 15, 2019.

Samantala, wala namang magaganap na registration sa Palawan dahil sa isasagawang plebisito rito sa May 11, 2020.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img