Villafuerte tiniyak na walang dapat ipangamba sa ihinain na bawiin ang 1st reading ng GAB

0
45

Tiniyak ni House Deputy Speaker for Finance Luis Raymung ‘L-Ray’ Villafuerte na walang dapat ipangamba sa ihinain niyang mosyon na bawiin ang first reading ng General Appropriations Bill (GAB) para sa susunod na taon.

Ayon kay Villafuerte, nais lamang niyang sumailalim sa tamang proseso kaya’t pina-wi-withdraw niya ang house bill 4228.

Paliwanag ng mambabatas, on-going pa kasi ang budget presentation ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan kaya hindi pa maaring maghain ng panukala para sa 2020 budget.

Bukod dito, sinabi rin ni Villafuerte na ginawa rin ni House Appropriations Committee Chairman Isidro Ungab na co-author sa naturang panukala si House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ani Villafuerte, nais lamang nila na maging transparent ang pag usad ng pagtalakay sa pampabansang pondo.

Aniya, target nilang maipasa ito sa ikatlo at huling pagbasa bago man matapos ang buwan ng Oktubre.

Sa ilalim ng panuntunan, kailangan munang matapos ang budget briefing ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno sa Kamara bago maghain ng panukalang budget sa susunod na taon.