Mahigit 800 barangay nakiisa sa clean-up campaign sa Maynila

0
42

Nakiisa ang nasa mahigit 800 barangay sa ikinasang clean-up campaign sa lungsod ng Maynila.

Ayon sa Manila Public Information Office (PIO), pinangunahan ng mga opisyal ng sangguniang kabataan ang mga baranggay na nagtulong-tulong sa paglilinis sa kanilang lugar.

Sinabi naman ni Alex Layos, hepe ng Manila Youth Bureau, ito ang isa sa nakita nilang magandang aktibidad para simulan ang “ber” months.