Video conferencing sa pagdinig sa korte tuloy pa rin

0
27

Tuloy pa rin ang pagsasagawa ng video conferencing sa pagdinig sa korte sa mga lugar na nakasailalim sa general community quarantine (GCQ).

Ayon kay Supreme Court Administrator Jose Midas Marquez, maaraing gawin ang video conference hearings para sa mga civil at criminal cases.

Aniya, nagkaroon na rin ng tatlong conviction na na-promulgate sa pamamagitan ng online trial courts.

Kabilang aniya dito ang kaso ng qualified human trafficking sa Angeles City, large scale trafficking sa prostitution at maging kasong rape sa Cebu City.

Sa pamamagitan aniya ng video conferencing trial court, nasistensyahan ang tatlo ng reclusion perpetua o panghabang-buhay na pagkakakulong.