Nag-anunsyo ang mga kumpanya ng langis ng pagkakaroon ng bawas-presyo sa kanilang produktong Liquefied Petroleum Gas (LPG) simula ngayong araw, ika-1 ng Hunyo.
Simula ala-6 ng umaga, mababawasan ng P0.27 ang kada kilo ng Solane-branded LPG.
Samantala, nag-anunsyo naman ang Petron na magkakaroon din ang kanilang kumpanya ng P0.30 na bawas-presyo sa kada kilo ng kanilang LPG habang P0.27 naman sa kada litro ng Auto-LPG pagsapit ng alas-12:01 ng hatinggabi.