Vice Mayor ng Jala Jala, Rizal nasawi dahil sa COVID-19

Vice Mayor ng Jala Jala, Rizal nasawi dahil sa COVID-19

by Powered by DWIZ
44 views

Patay ang Vice Mayor ng Jala Jala sa Rizal matapos umanong mag positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Jom Delos Santos, anak ni Vice Mayor Jolet Delos Santos, March 26 nang magpositibo ang kaniyang ama sa nasabing sakit.

Sinabi ng batang Delos Santos na nakitaan ng sintomas ang bise alkalde matapos dumalo sa isang event ng Philippine Councilors League.

Ipinabatid ng batang Delos Santos ang lungkot dahil hindi nakasama ang kaniyang ama sa mga huling pagkakataon.

0 comment

Related Posts