Suplay ng ventilators para sa mga COVID-19 patients sapat pa

Suplay ng ventilators para sa mga COVID-19 patients sapat pa

by Powered by DWIZ
45 views

Sapat ang supply ng ventilators para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) positive patients.

Ipinabatid ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mayroong mahigit 500 ventilators sa bansa.

Sa naturang bilang ng ventilators sinabi ni Vergeire na 100 ay nasa mga ospital sa Metro Manila at 400 naman ay nakakalat sa iba pang rehiyon.

Sapat aniya ito dahil 5% lamang sa COVID-19 cases sa buong mundo ang malala ang kondisyon na nangangailangan ng ventilator.

Gayunman inihayag ni Vergeire na humahanap pa rin sila ng supplier ng ventilators para makabili ang DOH.

0 comment

Related Posts