29.5 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Vice Mayor Natanauan ng Talisay Batangas payag magpa alay sa Taal

- Advertisement -

Payag si Vice Mayor Charlie Natanauan ng Talisay Batangas na magpa alay sa bulkang Taal.

Sagot ito ni Natanauan sa banta ni Calabarzon PNP Chief Vicente Danao na i-alay sya sa bulkang Taal sakaling may mapahamak sa kanyang mga kababayan dahil sa katigasan ng ulo ni Natanauan.

Ayon kay Natanauan, puwede syang magsakripisyo para tumigil ang pagputok ng bulkang Taal.

Gayunman, sinabi ni Natanauan na puwede lamang syang gawing alay sa bulkang Taal kung puputok ito ng sobrang lakas.

Una rito, naging kontrobersyal si Natanauan matapos nyang sabihing opinyon lamang ni Phivolcs Director, Usec Renato Solidum ang inihahayag  nitong sitwasyon sa bulkang Taal.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -