33.3 C
Manila
Friday, April 26, 2024

4 na miyembro ng pamilyang nagpositibo sa NCov narito na sa bansa

- Advertisement -

Kumpirmadong narito na sa bansa ang 4 na miyembro ng pamilya ng lalakeng Intsik na nag positibo sa novel coronavirus.

Ayon kay Hong Kong Health Minister Sophia Chan, bagamat naiwan sa Hong Kong ang lalake nagtungo naman ng Pilipinas ang mga kapamilya nito.

Napag alamang sumakay ng Cebu Pacific ang 4 at dumating ng NAIA dakong 1:20 ng hapon ng January 22.

Samantala, ayon sa Cebu Pacific, walang sinuman sa mga sakay ng naturang eroplano ang na quarantine.

Mahigpit anya ang ginagawa nilang monitoring at mayroon silang nakalatag na precautionary measures para sa mga flights na papunta at galing ng China.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -