Saturday, May 4, 2024

‘Vape ban’ magandang hakbang — Tolentino

- Advertisement -

Itinuturing na isang magandang hakbang ng isang senador ang pagbabawal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paggamit ng vape maging ang importasyon nito sa bansa.

Ayon kay Senador Francis Tolentino, ang naturang hakbang ay naglalayon na mailigtas ang libu-libo o milyong kabataan sa posibleng sakit sa baga na dala ng paggamit ng vape.

Napakagandang move po ito ng pangulo dahil ililigtas po niya ang libu-libo, baka bilyon pang kabataang Pilipino sa posibilidad na magkasakit dahil talagang ang agham ngayon ay pinapatunayan na –na malaki po ang naidudulot nito sa mga karamdamang pambaga,” ani Tolentino.

Dagdag pa ng senador, nagkatugma ang pagsusumite niya kahapon sa isang panukala at kautusan ng pangulo na pagbabawal sa pagbebenta o paggamit ng mga electronic cigarettes o vape sa bansa.

Bagamat hindi pa aniya nababasa ang executive order ng pangulo ay nilinaw nito na nakasaad sa kanyang panukala ang pagbabawal din sa mga manufacturers sa Pilipinas at distribution online. — sa panayam ng Ratsada Balita

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img