3 sa 50 Chinese nationals na-deport na sa China

0
17

Na-deport na sa China ang dalawa sa mahigit 50 babaeng Chinese nationals na nasagip sa Parañaque dahil sa human trafficking noong buwan ng Setyembre.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) spokesperson Dana Sandoval, una nang nag-apply ng voluntary deportation ang tatlo dito ngunit hindi nakasama ang isa dahil kailangan pa nito ng NBI clearance.

Samantala, nasa kustodiya pa rin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang natitira pang mga dayuhan habang kinukumpleto ang kanilang mga dokumento para makauwi na ito sa kanilang bansa.