Vaccination Card Iminungkahing Isabit Sa Leeg Tuwing Lalabas Ng Bahay

0
176

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño na susulat ito sa Inter Agency Task Force (IATF) upang imungkahing isama sa guidelines na susundin ng publiko ang pagsasabit ng vaccination card sa leeg katulad ng pagsusuot ng ID tuwing lalabas ng bahay.

“Dapat ngayon ire-request ko sa Inter-Agency Task Force para maiutos sa lahat ng mga barangay na ito na sana ang maging sakripisyo ng bawat Pilipinong nabakunahan. Kung ikaw ay bakunado na, paglabas mo ng bahay isuot mo na iyong vaccination card.”—Usec Diño.

Makakatulong umano ito upang hindi na maabala sa pagtatanong o pagsita ang mga otoridad tuwing nasa labas ng bahay ang mga bakunado. Dagdag pa ng opisyal, malaking tulong rin ito, lalo at may mga parokyano ng mga restaurant ang nakakalimutan ang kanilang vaccination cards, kayat hindi pinapapasok sa establisyimento ang mga ito.

“Kung ikaw ay bakunado na, paglabas mo ng bahay ay isuot mo na yung vaccination card. Why? Yung ma parokyano ng… Tatanungin ‘bakunado ka na ba?’ Paano mo malalaman kung bakunado kung hindi nakasabit ang vaccination card? At paglabas mo ng bahay, hindi ka na maaabala ng pulis, ng barangay na tatanungin ka ‘nasa ang vaccination card mo?’ kung antimanong isasabit mo na sa iyong dibdib,” saad ng opisyal.

Matatandaan na sa ilalim ng Alert Level 4, tanging ang mga fully vaccinated individual lang ang papayagan sa dine in services at iba pang limitadong indoor establishments.

(Source: Bicol Overview) 

Leave a Reply