Vacation leave ng Pangulo may legal implication — Drilon

0
23

Mayroong mga legal implication kung sakaling itinuloy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tatlong araw na vacation leave.

Ito ang inihayag ni Senate Minority Floorleader Franklin Drilon, kung saan walang nakasaad sa konstitusyon ng bansa na maaaring magbakasyon ang Pangulo.

Aniya, mas maraming kukuwestyun kung itinuloy nito ang nasabing vacation leave.

Iginiit rin ni Drilon na mabuting binawi ito ng Malakanyang na sa halip na vacation leave ay mag work from home na lamang ang gagawin nito ng sa gayon ay nananatili parin ang Pangulo sa pagpapatakbo ng bansa. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)