Friday, May 3, 2024

Palasyo tiwalang ‘di maapektuhan ang trabaho ng PNP kahit OIC pa lamang ang namumuno dito

- Advertisement -

Tiwala ang Malakanyang na hindi maaapektuhan ang administratibo at mga operasyon ng Philippine National Police (PNP), kahit na officer-in-charge parin ang namumuno sa naturang ahensya.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo kasunod ng sinabi ni PNP Spokesman General Bernard Banac na maaaring may hindi magandang epekto sa kanilang organisasyon ang matagal na pag tatalaga sa magiging hepe ng pambansang pulisya.

Ayon kay Panelo, naniniwala siyang ginagawa ni PNP OIC Lt. Gen. Archie Gamboa ang lahat upang maayos nitong magampanan ang kanyang tungkulin.

Samantala, patuloy paring pinag-aaralan ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sino ang kanyang itatalaga na pinuno ng PNP. — ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img