US Embassy nagbabala sa mga Amerikanong manatiling low profile dahil sa tensyon sa Middle East

0
17

Nagbabala ang US embassy sa mga Amerikanong nanatili sa bansa kasunod ng namumuong tensiyon sa Middle East.

Sa ipinalabas na security alert ng embahada, pinag-iingat nito ang kanilang mga mamamayan dahil posibleng itong magresulta ng panganib.

Nagpaalala ang embahada sa mga Amerikano na manatiling low profile, maging mapagmasid, manatiling alerto sa lokasyon na maraming turista, i-review ang personal na security plans at magkaroon ng updated na travel documents.

Sa mga nangangailangan ng tulong pinayuhan ang mga ito na agad tumawag at makipag-ugnayan sa embahada.