Mga OFW sa Iraq nais mailikas kaagad — Cimatu

0
14

Nais ni Environment Secretary Roy Cimatu na mailikas na agad ang mga Pilipino sa Iraq dahil sa tumitinding tensiyon doon.

Si Cimatu ay dating special envoy to the Middle East bago pa itinalagang kalihim.

Ayon kay Cimatu, posible kasing ang targetin ng Iran ay ang US facilities sa loob ng Baghdad.

Sa pagtataya, umaabot aniya sa mahigit 1,000 mga Pilipino pa ang andun sa lugar at marami pa aniya ang hindi pa napasama sa bilang.

Napapanahon na aniya na itaas sa alert level 4 o pinakamataas na alerto para maisagawa ang mandatory evacuation.