US DEPARTMENT OF EDUCATION PINABUBUWAG NI TRUMP

0
128

ISA sa mga pangakong binitiwan ni US President-elect Donald Trump sa campaign rally para maluklok sa White House ay buwagin ang US Department of Education (DE) na itinatag simula pa noong 1979.

Nabatid na ang nasabing federal agency ng siyang nangangasiwa ng pondo para sa public schools, admi­nisters student loans at mangalaga ng mga programa para matulungan ang mga low-income students.

Inakusahan ni Trump ang ahensiya, “indoctrinating young people with inappropriate racial, sexual and political material.”

Subalit, ang planong ito ni Trump at manga­ngailangan ng congressional approval na pag­dedetihan pa.

Bukod pa dito, dapat magkaroon ng supermajority  na kung saan makakakuha ng botong 60 mula sa 100 senators.

Nabatid din na kahit mas nakararami ang Republican US senators ay hindi ito aabot sa 60 miyembro kaya kaila­ngang kumbinsihin pa ang ilang Democrats senator para bumoto sa nasabing plano ni Trump laban sa Department of Education.

Maging sa House of Representatives ay kinakailangang makum­binse ni Trump ang suporta ng mga Democratic Congressman kung saan noong nakalipas na taon na tinangkang buwagin ang nasabing federal agency ay nabigo dahil hindi nakakuha ng tamang boto ang Republican dito.

Magugunitang sa panahon ni former US President Ronald Reagan ay tinangka na rin buwagin ang nasabing ahensiya subalit nabigo ito.

Inakusahan ng Republican ang education department sa pagsusulong  ng “woke” political ideology sa mga kabataan kabilang nag isyu ng  gender at race kung saan kailangan hawakan ito ng US states para maging maayos ang edukasyon ng mga bata.

Inirereklamo rin ng conservatives group ang functions ng education department tulad pamamahala sa loans na dapat ay hawak ng US Department of Treasury at ang civil rights infractions ay hawak naman ng Department of Justice.

Gayunpaman, inimungkahi ng mga kaalyado ni Trump na hayaang pumili ang mga estudyante at kanilang pamilya ng alternatibong public school para mas makapamili ang ito ng gusto nilang paaralan.

MHAR BASCO

Leave a Reply