UNDP nagbabala sa humatarian crisis sa bansa dahil sa Luzon-wide community quarantine

0
10

Nagbabala ang United Nations Development Program (UNDP) sa naka ambang humanitarian crisis sa bansa sa harap ng umiiral na Luzon-wide community quarantine.

Ayon kay UNDP Representative to the Philippines Titon Mitra, hindi lamang health crisis ang dala ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) kundi humanitarian crisis dahil sa epekto ng lockdown sa mahihirap.

Hinikayat ni Mitra ang mga Local Government Units na bumuo ng innovative approach upang i trace ang mga posibleng may impeksyon na ng coronavirus lalo na sa mga slum areas kung saan hindi o mahirap gawin ang social distancing.

Hindi anya makatotohanang isipin na puedeng ipatupad ang social distancing sa halos tatlong milyon katao sa Metro Manila na naninirahan sa slum areas.