DILG kakasuhan ang mga barangay officials na nagpapabayad ng quarantine pass

0
16

Kakasuhan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga barangay officials na di umanoy nagpapabayad ng quarantine pass sa mga residente ng barangay.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, maliban sa quarantine pass…nakatanggap rin sila ng report na sinisingil rin ng ilang barangay officials ang cargo deliveries na dumadaan sa kanilang checkpoints.

Bagamat ang quarantine pass anya ay sariling panuntunan ng mga LGU’s maituturing anyang pang aabuso kung pababayaran ito sa mga residente.

Samantala, paglabag anya sa direktiba ng pangulo na hindi dapat mabalam ang delivery of goods, kung sisingilin ang mga ito ng barangay officials.

Dalawa lamang anya ang pupuntahan ng mga umaabusong barangay officials, masuspindi o makulong.