Saturday, May 4, 2024

Unang pasyenteng nagpositibo sa nCoV sa PH na-discharge na —DOH

- Advertisement -

Na-discharge na sa San Lazaro Hospital ang pasyenteng kauna-unahang kaso ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).

Ayon kay Department of Health (DOH) undersecretary Eric Domingo, nagnegatibo na sa dalawang magkasunod na 2019 nCoV-ARD test ang babaeng Chinese kaya pinalabas na ito sa pagamutan.

Matatandaang binawian na ng buhay ang nobyang Chinese na babae na siya namang ikalawang kaso ng 2019 nCoV-ARD sa bansa.

Kapwa galing sa Wuhan, Hubei Province sa China ang magkasintahan na nagtungo sa Hong Kong kung saan sila nanggaling patungo sa Pilipinas.

The first case has already tested negative twice and has already been discharged,” ani Domingo.


Umabot na sa 262 ang naitalang kaso ng patients under investigation (PUIs) dahil sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD) sa bansa.

Ayon kay Health undersecretary Eric Domingo, 109 na ang nagnegatibo, may unang tatlo na ang nagpositibo sa 2019 nCoV-ARD, habang 202 pa ang naghihintay ng resulta ng testing.

Samantala, lahat o may kabuuang 441 na nakasalamuha ng una at pangalawang nagpositibo sa 2019 nCoV-ARD ay natukoy na, habang 224 o 56% pa lamang sa mga nakasalamuha ng ikatlong kaso ng 2019 nCoV-ARD ang nakontak ng Department of Health (DOH).

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img