UNANG BABAENG WHITE HOUSE CHIEF OF STAFF INIHAYAG NI TRUMP

0
137

SA kauna-unahang pagkakataong isang babae ang manunungkulan bilang White House Chief of Staff sa Enero 2025 nang inihayag ni US President-elect Donald Trump ang kanyang campaign at top advisor sa 2024 election na si Susie Wiles kung saan nanungkulan sa loob ng dalawang taong nakalipas.

“Susie Wiles just helped me achieved one of the greatest political victories in American history, and was an integral part of both my 2016 and 2020 successful campaigns” pahayag ni Trump.

Sa ipinalabas na statement ni Trump, nakasaad na si Susie ay smart, innovative, touch, hinahangaan at nire­respeto ng marami.

“It is a well deserved honor to have Susie as the first-ever female Chief of Staff in United States history.” dagdag pa ni Trump.

Sinasabing ang paghahayag ng chief of staff ay    unang administration post ni Trump makaraang ideklara ang pagkapanalo bilang Pangulo ng Amerika nitong Nobyembre 6, Miyerkules ng umaga.

Base sa nakalap na ulat ng mga news agency, si Wiles ay respetadong GOP operative mula sa Florida at anak ni former NFL broadcaster Pat Summerall kung saan umiiwas ito sa anumang spotlight kahit sa pa­ngangampanya ni Trump kasama pa si Chris LaCivita.

Kabilang sa mga kasamahan ni Wiles sa 3rd White House campaign ay pawang mga kalalakihan at wala itong nakasalungkat kaya naman hinangahaan siya ng mga kaalyado ni Trump.

Maging ang US Vice President-elect na JD Vance ay nag-post sa kanyang social platform X na si Susie ay  “huge asset to President Trump on the campaign and will be a huge asset in the White House. She’s also just a realy good person. Onward.”

Isa sa katangian ni Wiles ay angpagiging mapagkumbaba nang tawagin siya ni Trump sa magbigay ng victory speech noong Miyerkules ng umaga subalit iniwasan nito ang makasaysayang spotlight kaya naman pabirong sinabi ni President-elect na “We call her the ice baby.Susie likes to stay in the background. She’s not in  the backaground.”

Ang pagiging chief of staff ng US President ang  most influential job sa White House kung saan sinasabing ang trabaho nito ay mag-manage ng mga gawain ni Trump kasama ang team sa panahon ng competing factions na ang trabaho ay masyadong maselan.

Si Trump ay nagkaroon ng apat na chief of staff noong unang termino sa White House kung saan si Reince Priebus ang una na tumagal lamang ng 6 buwan bago pinalitan ni John Kelly na naging kritiko ni Trump.

MHAR BASCO

Leave a Reply