Umento sa singil sa toll sa NLEX nakatakda nang ipatupad

0
46

Nakatakda nang ipatupad ng Manila North Tollways Corporation ang umento sa singil sa toll sa NLEX o North Luzon Expressway.

Ito’y ayon kay TRB spokesman Alberto Suansing makaraang aprubahan ng TRB o Toll Regulatory Board ang inihaing petisyon ng MNTC na magtaas sa kanilang sinisingil sa toll sa nasabing kalsada.

Epektibo sa Marso 20, magiging limampu’t limang piso (P55) na ang magiging toll para sa open system ng NLEX mula sa dating kuwarenta’y singko pesos (P45) para sa class 1 vehicles o maliliit na sasakyan tulad ng kotse.

Isandaan at tatlumpu’t pitong piso (P137) naman ang toll para sa class 2 vehicles o mga van mini bus at iba pang may kalakihang sasakyan mula sa dating isandaan at labing apat na piso (P114).

Habang nasa isandaan at animnapu’t limang piso (P165) na para sa class 3 vehicles o iyong malalaking sasakyan tulad ng mga bus at trak mula sa dating isandaan at tatlumpu’t anim na piso (P136).