10 natatanging graduates ng PNPA bibigyang parangal

0
46

Bibigyang parangal ng PNP o Philippine National Police ang sampung natatanging kadete nito na magtatapos sa PNPA o Philippine National Police Academy para sa taong ito.

Ayon kay PNP Spokesman P/Col. Bernard Banac, ito’y alinsunod sa inaprubahang resolusyon ng academic board ng PNPA noong Marso 5 kabilang sa mga kadeteng pararangalan ay sina:

  1. Cdt. Jervis Allen Ramos
  2. Cdtte. Merriefin Carisusa
  3. Cdtte. Mary Grace Pabilario
  4. Cdt. Ferdinand Mark Lagchana
  5. Cdt. Christian Albus
  6. Cdtte. Janila Andrea Garan
  7. Cdtte. Ciara Ley Capule
  8. Cdtte. Mary Ann Delos Santos
  9. Cdtte. Anna May Mangabo
  10. Cdt. Salvador Pidlaoan

Ayon kay PNPA Superintendent P/BGen. Jose Chiquito Malayo, karamihan sa mga gagawaran ng parangal ay mga babae na nasa anim habang apat lang ang lalaki.

Mula aniya sa sampu, pito sa mga ito ang mapapasama sa hanay ng PNP, dalawa sa Bureau of Fire Protection at isa sa BJMP o Bureau of Jail Management and Penology matapos ang kanilang graduation rites na gagawin sa Marso 22.