Umano’y ‘subcontracting’ sa pag-imprenta ng voter’s information sheet dinipensahan

0
57

Dinipensahan ni Communications Sec. Martin Andanar ang National Printing Office (NPO) sa umano’y ‘subcontracting’ sa pag-imprenta ng voter’s information sheet.

Ito ang naging pahayag ni Andanar matapos kuwestiyunin ni comelec commissioner Rowena Guanzon ang pag-imprenta ng NPO ng voter’s information sheet nitong nakalipas na halalan.

Ayon kay Andanar, hindi mag-i-imprenta ang NPO kung wala itong go-signal ng COMELEC.

Aniya, sumusunod lamang ang NPO sa anumang kautusan ng COMELEC.

Kasabay nito, sinabi rin ni Andanar na dapat tiyakin ni Guanzon ang iba pang COMELEC commissioner patungkol sa isyu.

Samantala, tiniyak naman ni Guanzon na papatawan ng kaukulang parusa ang NPO sakaling mapatunyan na lumabag ito sa regulasyon ng Commission on Audit.