29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Pagiwas sa pagdadala ng meat products mula sa mga bansang apektado ng ASF ipinanawagan

- Advertisement -

Muling nanawagan si Agriculture secretary Manny Piñol sa mga manggagawa o turistang Pinoy na magbabalik bansa na iwasan nang magdala ng mga meat products mula sa mga bansa na apektado ng african swine fever (ASF).

Kabilang dito ang mga produktong karne ng baboy mula China, Hong Kong, Macau, Vietnman, Cambodia, Belgium, Russia, Ukraine, Bulgaria, Latvia, Moldova, Poland at Mongolia.

Ayon kay Piñol, kukumpiskahin sa mga paliparan sa Pilipinas ang mga meat products mula sa mga nabanggit na bansa at pagmumultahin ng 200,000 ang mga may dala ng mga ito.

Binigyang diin ni Piñol, layunin ng kanilang paghihigpit ang maiwasang masira ang P2-B halaga ng hog industry sa Pilipinas oras na may makalusot na african swine fever virus sa bansa.

Kasabay nito, hinimok ng kalihim ang mga taga-pamahalaan partikular ang Bureau of Customs na mahigpit na ipatupad ang kanilang mga ipinalabas na memorandum.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -