31.4 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Umano’y pang-aabuso ng mga pulis sa kasagsagan ng Traslacion iniimbestigahan na — PNP

- Advertisement -

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang serye ng umano’y pang-aabuso ng mga pulis sa mga deboto sa kasagsagan ng Traslacion, kahapon.

Ito mismo ang tiniyak ni Phil. National Police (PNP) Spokesman Brig. General Bernard Banac matapos mapa-ulat na may ilang debotong nasaktan dahil sa umano’y pang-aabuso, at pananakit ng ilang mga pulis.

Sinabi ni Banac na sa kanilang inisyal na imbestigasyon lumalabas na hindi naman intensiyong saktan ng mga pulis ang mga deboto bagkus ay sinusubukan lamang ng mga pulis na pigilan ito, dahil na rin sa ilang mga paglabag nito sa mga alituntuning ipinapatupad sa Traslacion.

Ito ay kasalukuyang iniimbestigahan na at tinitignan ng NCRPO ang naturang pangyayari at meron ngang video na nakuha, lumalabas doon sa inisyal na pag-examine sa video ay yun ang pangyayari kung saan kailangan na i-restraint yung deboto, naging unruly na siya ayaw niyang ma-pacify kinakailangan na pagtulungan siya ng mga pulis para siya ay manatili at yun ang nakunan doon sa video pero hindi po iyon para saktan, hindi natin nais na makapanakit tayo ng ating mga kasamang deboto,” ani Banac.

Kaugnay nito, aminado rin si Banac na may ilang mga deboto ang naging “pasaway” dahil ‘tila sumama ang loob ng mga ito sa mga bagong protocol na inilatag ng pulisya, kagaya na lamang ng  pag-escort ng pnp sa imahe ng Poong Itim na Nazareno, at sa pagtalaga sa mga ito sa unahan ng lubid para hatakin ang andas.

Gayunman, sinabi naman ni Banac na bagamat may mga nasaktan ring mga pulis sa kasagsagan ng Traslacion, ay nauunawaan naman nila ito dahil talagang siksikan, at dikit-dikit ang mga deboto na naki-isa sa tradisyunal na Traslacion.

Yung sama ng loob, yung frustration hindi lamang siya kundi marami pang ibang deboto sa pagbabago ng security measures na ipinatupad, alam naman natin na magkaroon ng ganitong plano na ang PNP ang siyang maghihila ng andas at marami ang talagang pumalag dahil nanibago. Lahat sila ay sinabihan natin at binigyan ng paalala to exercise maximum restraint, maximum tolerance pero ‘pag nandun na talaga sa actual ay iba na talaga ang magiging pakiramdam lalo’t nagkakaroon na ng physical contact ang mga katawan dahil sa talagang dikit-dikit ang mga tao at doon na marahil ang mga bugso ng damdamin hindi natin maiwasan kaya’t naintindihan naman natin na ganung reaksyon ng ating mga deboto,” ani Banac.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -