Umano’y napipintong banggaan ng mga incumbent at ilang bagong senador plantsado na

0
55

Naplantsa na ang mga kumakalat na intriga hinggil sa napipintong banggaan ng mga incumbent sa ilang bagong senador.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto lll, nagpaliwanag na sina Senators elect Imee Marcos at Francis Tolentino hinggil sa pagkalat ng balita na nais nilang magkaroon ng bagong pangulo ang senado.

Itinanggi anya nina Marcos at Tolentino na itinutulak nila si Senadora Cynthia Villar na maging senate president.

Samantala, sinabi ni Sotto na naplantsa na rin ang committee chairmanships at isa o dalawang komite na lamang ang kailangang ayusin.

Naniniwala si Sotto na mas magiging mahigpit ang samahan ng mga senador sa papasok sa 18th congress tulad ng samahan nila sa kakatapos pa lamang na 17th congress.