30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Raptors wagi kontra GSW sa Game 3 ng NBA finals

- Advertisement -

Muling nasungkit ng Toronto Raptors ang panalo sa Game 3 laban sa Golden State Warriors ng NBA Finals sa score na 123 – 109.

Ito’y kahit na sa home court ng Warriors ginanap ang Game 3.

Sinasabing isa sa naging dahilan ng pagkatalo ng Warriors ang hindi paglalaro ng mga star players na sina Kevin Durant, Klay Thompson at Kevon Looney dahil sa tinamong injury.

Samantala, 2-1 na ang score sa serye, pabor sa Raptors.

Gaganapin naman ang Game 4 ng NBA Finals sa Sabado.

Sa panulat ni Fred Santos

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -